SAPUL SA CCTV: 2 bisikleta na may halagang P300,000, tinangay sa CDO

ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2018 07:10 PM | Updated as of Sep 22 2018 12:28 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Pinaghahahanap ngayon ng pulis sa Cagayan de Oro City ang 3 lalaki na nakuhanan sa CCTV na tumangay ng mga mamahaling bisikleta sa loob ng isang subdivision.

Sa video, makikita ang isang lalaki na umakyat sa gate at pumasok sa garahe.

Patingin-tingin siya sa mga gamit at naghahanap.

Nang mapansin ang mga bisikleta, sinira nito ang lock at saka ipinasa sa mga kasamahan sa labas.

Aabot sa P300,000 ang halaga ng 2 bisikletang tinangay.

Narekober naman ang mga ninakaw na bisikleta mula sa isang pawnshop.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.