Drayber sugatan matapos tumagilid ang trak sa NLEX

ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2018 06:55 PM

MANILA—Isa ang sugatan matapos tumagilid ang isang trak sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) southbound Sabado ng hapon.

Bahagyang nasugatan ang hindi pa nakikilalang drayber ng trak, ayon kay Mike Ocampo, traffic supervisor ng NLEX.

Nangyari ang aksidente alas-3 ng ng hapon sa Marilao exit southbound at nagdulot ng bahagyang pagbigat ng daloy ng trapiko, ani Ocampo.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang insidente.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.