8 timbog sa droga sa Caloocan

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Feb 17 2018 04:27 AM

Arestado ang 8 katao, kabilang ang umano'y isang asset ng pulis, sa magkahiwalay na operasyon kontra-droga sa Caloocan Biyernes ng gabi.

Unang inaresto ng Caloocan police ang 7 suspek matapos mahuli sa aktong gumagamit ng ilegal na droga.

Ayon kay Senior Supt. Jemar Modequillo, hepe ng Caloocan police, isinagawa nila ang operasyon matapos makatanggap ng reklamo sa pagiging talamak ng droga sa lugar.

Inamin naman ng mga suspek ang kanilang nagawa. Nagturuan pa ito kung sino ang kanilang pinagkukunan ng droga. Sinisi rin nila ang kanilang bisyo sa pag-inom.

Kalaboso rin ang isang lalaki na umano'y asset ng pulis sa ikinasang buy-bust operation.

Narekober mula sa suspek ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.