PatrolPH

Nurse ng DOH, huli sa umano'y pagtutulak ng droga sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2021 07:04 PM

Nurse ng DOH, huli sa umano'y pagtutulak ng droga sa Davao City 1
Huli ang isang 36 anyos na nurse sa Davao City dahil sa pagbebenta umano ng iligal na droga nitong Lunes. Courtesy of Davao City Police Office

Isang nurse ng Department of Health XI ang nahuling nagbebenta umano ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Indangan, Davao City, Lunes ng hapon.

Ang 36-anyos na si alyas Madam ay assigned umano sa Davao City Health Office bilang surveillance officer.

Siya ay ika-7 sa drugs watch list ng Region XI.

Ayon sa ulat, nagbenta ito ng P16,000 halaga ng droga sa poseur buyer na pulis.

Nakumpiska rin sa kaniya ang isang malaking sachet na may laman na hinihinalang shabu na nasa P80,000 ang halaga.

Taong 2017 nang mahuli na rin ito sa paggamit ng iligal na droga, pero nakalaya noong 2019.

Haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Watch more on iWantTFC

 

- Ulat ni Chrislen Bulosan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.