PatrolPH

'Most wanted' sa San Narciso, Zambales, naaresto sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2021 10:46 PM

Arestado nitong Linggo sa La Carlota City ang "most wanted personality" ng San Narciso, Zambales.

Arestado ang suspek na si Angel Obispo II na tubong Negros Occidental. 

Wanted si Obispo sa kasong panggagahasa ng isang menor de edad sa Zambales.

Tatlong taong nagtago si Obispo bago natunton ng awtoridad.

Kasalukuyang nakakulong sa San Narciso Municipal Police Station si Obispo para harapin ang kasong rape.

- ulat ni Gracie Rutao

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.