PatrolPH

Mag-asawa, kasabwat timbog sa droga sa Maguindanao

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2021 06:23 PM

COTABATO CITY – Arestado sa drug bust operation nitong Martes ang mag-asawa at isa pang kasabwat umano nila sa kalakaran ng ilegal na droga. 

Isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) ang operasyon sa Sitio Grotto, Barangay Tamontaka, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon kay PDEA-BARMM director Juvenal Azurin, 2019 pa nasa watchlist ng kanilang ahensya ang mag-asawa.

Nakuha sa posesyon ng mga suspek ang 4 sachet ng hinihinalang shabu, na nakasilid pa sa medyas.

Haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang 3 suspek.

–Ulat ni Lerio Bompat

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.