Papuntang Metro Manila ang mga baboy na mula sa General Santos City. Dumaong ang barkong may karga sa mga ito sa Lucena City na sinalubong naman ni Agriculture Secretary William Dar at iba pang opisyal. Larawan mula sa Department of Agriculture Region 4A
LUCENA CITY - Dumaong sa Talao-Talao Port sa lungsod, Martes ng umaga, ang barkong may kargang 1,350 na mga baboy na galing General Santos City at papuntang Metro Manila, na layon na masiguro ang suplay sa merkado sa gitna ng epekto ng African swine fever.
Sinalubong ang mga baboy na sakay ng M/V Viva Marian Queen ni mismong Agriculture Secretary William Dar, kasama ang ilang department heads, ang DA Region 4A, at sina Quezon Governor Danilo Suarez at Lucena City Mayor Dondon Alcala.
Sa isang panayam, sinabi ni Dar na ang mga mamimili ay makakasigurado na ang presyo ng mga produktong baboy ay alinsunod sa Executive Order No. 124 na nagtatakda ng price ceiling.
Tiniyak naman ng kagawaran, katuwang ang Bureau of Animal Industry, na ang pagdaan ng mga baboy sa CALABARZON region ay naisagawa nang hindi nasasakripisyo ang mga quarantine protocols na ipinatutupad.
Ang pagbiyahe sa mga baboy mula SOCCSKSARGEN ay saklaw ng "special hog lanes" kabilang ang "roll-on, roll-off" at mga ruta ng truck.
RELATED VIDEO:
- Ulat ni Andrew Bernardo
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
African Swine Fever, baboy, hogs, General Santos City, Lucena City, Tagalog news, Regional news