PatrolPH

Forest technician patay sa pamamaril sa Tacloban City

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2021 11:49 AM | Updated as of Feb 16 2021 01:49 PM

Forest technician patay sa pamamaril sa Tacloban City 1
Patay sa pamamaril ang isang forest technician na nagtatrabaho sa Department of Environment and Natural Resources-City Environment and Natural Resources Office sa Palo. Tinambangan siya habang papunta sa downtown area ng Tacloban City. Larawan mula sa Barangay 92, Apitong

(UPDATE) Patay ang isang 59 anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilang mga salarin sa Barangay 92, Apitong sa Tacloban City, Martes ng umaga.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima bilang si Rodolfo Concillo, isang tauhan ng City Environment and Natural Resources Office.

Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang biktima at papunta sana sa downtown area ng Tacloban City para sa kaniyang medical examination nang tambangan ng mga salarin.

Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang biktima na nagresulta sa kaniyang agarang pagkamatay.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon at hot pursuit operation ang pulisya.

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC

- Ulat ni Ranulfo Docdocan

 
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.