Makapal na putik ang iniwan ng baha na naglubog sa mga kagamitan sa eskuwelahan ng Tinago Elementary School, kabilang na ang mga laptop, desktop, projector at printer para sa modules ng mga mag-aaral. Larawan hango sa Facebook page ng Tinago Elementary School
Idinaan sa social media ng isang paaralan sa bayan ng Quinapondan sa Eastern Samar ang paghingi ng tulong matapos itong bahain na ikinasira ng ilan nitong equipment.
Isa ang Tinago Elementary School sa Barangay 07, Poblacion, sa naturang bayan, sa mga apektado ng pagbaha na dulot ng walang tigil na pag-ulan noong Peb. 8 .
Ayon sa school head na si Delrose Pagaduan, palaging binabaha ang paaralan, ngunit ito ang unang beses na sila ay binaha na ganoon kataas, kung saan umabot ng 5 feet ang tubig.
Nalubog sa baha ang gamit ng paaralan katulad ng printer, laptop, desktop, at projectors, at nabasa ang mga printed modules at di pa nagagamit na bond papers.
Dahil dito, hindi makagawa at makapag-distribute ngayon ng mga module ang mga guro.
Apela ng mga guro na sana ay may makatulong sa kanila para agad na makabangon.
- Ulat ni Ranulfo Docdocan
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Quinapondan, Eastern Samar, Tagalog news, binahang paaralan, edukasyon, baha, damaged schools, damaged schools Philippines, Regional news, regions, teachers, Filipino teachers, Philippines teachers