Inaasahang darating sa Miyerkoles ang mga baboy na ipinadala ng Norther Mindanao papuntang Metro Manila. Larawan mula sa kay Angie Catubig, DA-10
Walong container vans na may laman na 580 baboy ang ipinadala ng Department of Agriculture-Regional Field Office 10 (DA-RFO 10) at ng Northern Mindanao Hog Raisers Association (NORMINHOG) papuntang Metro Manila.
Inaasahang darating ito sa North Port, Tondo, Maynila sa Peb. 17 ng hapon sakay ng barkong Oceanic Container Lines.
Mayroong average weight na 107 kilos per hog ang sakay sa shipment.
Ang ipinadalang hogs ay nagmula sa mga commercial farms ng NORMINHOG members tulad ng Opol Chona’s farm, MG farm, D&C farm, at Shamus farm.
Ayon kay NORMINHOG President Leon Tan, ang hog shipment ang sagot sa panawagan ni Agriculture Sec. William Dar na tulungan sa hog supply ang mga lugar na apektado ng African Swine Fever.
“This is the support for the Filipino people from the Northern Mindanao Hog Raisers Association in Northern Mindanao. This will not be the last and hopefully we can support more,” sabi ni Tan.
Ayon kay DA-RFO 10 Regional Executive Director Carlene Collado, naglaan ng pondo ang DA ng P21 per kilo transport assistance sa mga local hog raisers para ma-stabilize ang local retail price ng pork sa Metro Manila habang ipinatupad ang Executive Order 124.
“This is the first shipment of hogs for Metro Manila after the government set the price ceiling. DA will provide P21 per kilo as transport assistance and we are hoping that this will continue after the 60 day period, and Northern Mindanao can share in sending live hogs to Metro Manila” tugon ni Collado.
Ang Northern Mindanao ay nagpatupad na rin ng price ceiling sa pork at livestock products sa mga public markets para ma-protektahan ang mga mamimili sa pagtaas ng presyo sa pork at ma-stabIlize ang supply kahit na may banta sa ASF.
Ang price cap sa pork sa Northmin ay P265 per kilo sa mga prime cuts at P155 sa whole chicken na fully dressed. Tatagal ang price ceiling ng hanggang 60 days.
Kinumpirma ng DA na mayroong kaso ng ASF sa dalawang barangay ng Cagayan de Oro at dalawang barangay din sa Misamis Oriental, kaya mahigpit ang monitoring at kampanya laban sa ASF at sa pagbigay ng feed swill sa mga alagang baboy.
RELATED VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Hog shipment, Mindanao, Northern Mindanao, Department of Agriculture, Tagalog news, Regional news