PatrolPH

3 hinihinalang rebelde patay sa engkuwentro sa Agusan del Sur

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2021 04:58 PM

3 hinihinalang rebelde patay sa engkuwentro sa Agusan del Sur 1
Patay ang 3 hinihinalang miyembro ng New People's Army sa engkuwentro sa Talacogon, Agusan del Sur noong Pebrero 15, 2021. Retrato mula sa 26th Infantry Battalion, Philippine Army

Patay ang 3 hinihinalang rebelde matapos makaengkuwentro ng mga sundalo sa bayan ng Talacogon, Agusan del Sur noong hapon ng Lunes, ayon sa militar.

Pinaniniwalaang mga miyembro ng Guerilla Front 88 ng New People's Army (NPA) ang mga nakaengkuwentro sa may Sitio Damming, Barangay Zillovia.

Narekober sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang rifle, mga baril, 2 hand grenade, mga bala, cellphone, medical paraphernalia, at mga subersibong dokumento.

Nakikisimpatiya naman umano ang militar sa pamilya ng mga namatay na NPA at nangakong ibibigay sa kani-kanilang mga pamilya ang mga labi kapag nakilala na nila ang mga ito.

-- Ulat ni Charmane Awitan, ABS-CBN News

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.