Isang pulis ang nagpanggap umanong kostumer at nabisto ang prostitusyon sa establisimyento. Arra Perez, ABS-CBN News
MAYNILA — Sampung babae ang nasagip sa pagsalakay ng mga awtoridad sa isang KTV at disco bar na ginagawa umanong pugad ng prostitusyon sa Quezon City nitong madaling araw ng Linggo.
Ikinasa ang operasyon matapos makatanggap ng pulisya ng sunod-sunod na ulat ukol sa talamak na prostitusyon sa naturang establisimyento sa may Commonwealth Avenue, Barangay Holy Spirit, ayon kay Lt. Col. Romulus Gadaoni.
Isang pulis ang nagpanggap umanong kostumer at nabisto ang prostitusyon sa establisimyento.
Ibibigay sa violence against women and children desk ng Barangay Holy Spirit ang mga nasagip na babae.
Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang may-ari ng bar, na haharap sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act.
—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, krimen, trafficking, prostitution, prostitution den, Quezon City, Quezon City Police District