Biyahe ng MRT panandaliang naantala Linggo ng umaga

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2020 01:05 PM

MAYNILA - Umiksi ang biyahe ng MRT-3 mula Shaw Boulevard hanggang Taft Avenue nitong Linggo ng umaga matapos masira ang isang stretcher bar sa North Avenue Station.

Ayon kay MRT director of operations Michael Capati, pinalitan ang nasirang stretcher bar bandang alas-9 ng umaga at isinasailalim sa retightening at calibration.

Bago bumalik sa normal operations bandang 12:22 ng tanghali, pitong tren lang ang tumatakbo sa MRT, sa pagitan ng 9 at kalahating minuto, ayon kay Capati.

Umakyat sa 12 tren ang tumatakbo bandang 12:30 p.m., ayon sa pamunuan MRT.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.