4 sugatan sa karambola ng 8 sasakyan sa bahagi ng NLEX sa Pampanga

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2020 09:32 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Courtesy Jhun Lopez

MAYNILA - Isang bus at 7 sasakyan ang nagkarambola sa bahagi ng North Luzon Expressway southbound lane sa Mexico, Pampanga pasado alas-3 ng hapon Linggo.

Apat ang sugatan sa insidente.

Ayon kay Robin Ignacio, NLEX Senior Manager ng Traffic Operation, naalis na ang mga sasakyan sa lugar ng pinangyarihan ng aksidente.

Agad ring nalapatan ng lunas ang mga biktima.

Ayon pa kay Ignacio, batay sa paunang imbestigasyon, bumagal ang takbo ng unang sasakyan.

Ngunit hindi napanatili ng mga sumunod na sasakyan ang safe braking distance na nagresulta sa banggaan.

Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang aksidente lalo na sa lane pabalik ng Metro Manila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.