Tatakbong bise gobernador ng Ilocos Norte, pumanaw na

Randy Menor, ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2019 09:55 AM

Ilocos Norte Provincial Board Member Mariano "Nonong" Marcos II files his certificate of candidacy for Ilocos Norte governor, Nov. 29, 2018. Randy Menor, ABS-CBN News/File

LAOAG CITY - Pumanaw na si Ilocos Norte Provincial Board Member Mariano "Nonong" Marcos II dahil sa umano'y atake sa puso, Biyernes ng gabi.

Ito ang kinumpirma ni Board Member Domingo Ambrocio Jr., isa sa mga malapit na kaibigan ni Marcos. Pumanaw siya sa edad na 64. 

Tumatakbo sana para bise-gobernador si Marcos, pinsan ng kasalukuyang gobernador Imee Marcos, sa darating na eleksyon.

Ayon kay Ambrocio, nasa Laoag International Airport si Marcos at lilipad patungong Metro Manila nang atakihin sa puso alas-9 ng gabi.

Naitakbo pa siya sa Laoag City General Hospital, pero binawian din ng buhay.

Taong 2001 nang unang pumasok sa pulitika ang bokal.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.