Kagawad sa Surigao, timbog sa illegal logging

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2019 05:52 AM

MAYNILA - Arestado ang isang barangay kagawad sa Placer, Surigao del Norte dahil sa illegal logging.

Nasamsam kay Cesar Paluga ang higit P250,000 halaga ng ilegal na pinutol na puno ng narra, molave, at gmelina.

Nasakote ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Surigao Del Norte police, at Department of Environmental and Natural Resources (DENR) ang suspek sa Barangay Boyongan.

Mahaharap si Paluga sa kasong paglabag sa Republic Act 9175 o Chain Saw Act of 2002. - ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.