TINGNAN: Pagsalubong sa Chinese New Year sa iba't ibang probinsya

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2018 08:45 AM

Rod Bolivar, ABS-CBN News

Rod Bolivar, ABS-CBN News

Paul Palacio, ABS-CBN News

Paul Palacio, ABS-CBN News

Paul Palacio, ABS-CBN News

Kate Delovieres, ABS-CBN News

Kate Delovieres, ABS-CBN News

Kate Delovieres, ABS-CBN News

Iba't ibang tradisyon ang isinagawa ng mga Filipino-Chinese community sa iba't ibang bahagi ng bansa sa pagsalubong sa Chinese New Year.

Sa Cagayan de Oro, nagtipon ang mga Chinoy sa Bell Church kung saan nagkaroon ng 10 minutong fireworks dislplay. Dito na rin nagdasal ang mga miyembro ng komunidad na naniniwala sa iba't ibang relihiyon tulad ng Buddhism, Taoism, Confucianism, at Christianity.

Ang mga Davaoeño naman ay nagsagawa ng isang countdown at dragon dance sa Rizal Park. Nang sumapit ang hatinggabi, nagpasabog sila ng confetti at namigay ng mga tikoy, biskwit, ampaw at kendi sa mga taong dumalo sa pagdiriwang.

Nagsindi naman ng mga insenso ang mga Taoist sa Naga at nanalangin sa "god of wealth" at "god of happiness" sa pagsalubong ng bagong taon. Kasama sa ritwal ng pagsalubong ang pagpapaikot ng mga ampaw, paglalagay ng barya sa mga sobre, at pagsusunog ng amarilyong papel sa harap ng pintuan ng bahay.

- ulat mula kina Rod Bolivar, Paul Palacio, Kate Delovieres

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.