Opisyal ng Cainta, patay sa pamamaril

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2018 02:55 AM

Patay ang isang opisyal ng Cainta, Rizal matapos pagbabarilin sa naturang lungsod Huwebes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Carlos Sale, 62, chairman ng Office of Senior Citizens Affairs ng Cainta.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, tinambangan ng mga lalaking sakay ng motorsiklo ang biktima sa Barangay Santo Domingo pasado alas-6 ng gabi.

Galing umano si Sale sa isang Valentine's Day party at naghihintay ng jeep na masasakyan pauwi nang mangyari ang pamamaril.

Nagtamo ang biktima ng 2 tama ng bala ng baril.

Sinisilip ng mga awtoridad ang anggulong may kinalaman sa trabaho ang naganap na pamamaslang.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.