Lalaki, timbog sa buy-bust sa Maynila

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2018 04:55 AM | Updated as of Sep 19 2018 10:21 AM

Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Maynila Huwebes ng gabi.

Narekober mula sa suspek ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu na may street value na P30,000.

Ayon kay Supt. Emerey Abating ng Manila Police Station 5, isinagawa nila ang operasyon matapos silang makatanggap ng tip sa isang impormante.

Hinuli ang suspek matapos ang transaksiyon niya sa mga pulis sa Roxas Boulevard corner Katigbak Drive pasado alas-8:30 ng gabi.

Inamin naman ng suspek na sangkot siya sa pagtutulak para tulungan ang pamilya, lalo na sa may sakit na lola.

Aniya, 2 buwan na rin umano siyang gumagamit ng shabu.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.