Lalaki, arestado matapos mahuling magnakaw ng gatas sa QC

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2018 04:58 AM

Arestado ang isang lalaki matapos mahuling magnakaw ng gatas sa isang grocery store sa Barangay Greater Fairview, Quezon City Huwebes ng hapon.

Ayon kay PO3 Mark Bartolome ng Quezon City Police District Station 5, nagpanggap na kostomer ang 28 anyos na suspek.

Isinilid ng suspek sa kaniyang bag ang mga ninakaw, pagkatapos ay lumabas siya at hindi nagbayad sa cashier.

Napansin ito ng isang security guard at sinita ang suspek.

Nang tingnan ang bag, nakita sa loob nito ang 2 lata ng milk supplement for adults na nagkakahalaga ng mahigit P3,000.

Mahaharap sa kasong theft ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.