DFA, umalma sa bintang na 'pagpapabaya' sa PH Rise

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2018 10:01 PM | Updated as of Aug 28 2019 03:21 PM

Watch more in iWantTFC

Daan-daang sundalo ang ipinakalat sa Port Irene, Sta. Ana, Cagayan nitong Biyernes para bantayan ang Philippine Rise.

Ito na ang maituturing na pinakamalaking deployment na ginawa ng Marines sa Northern Luzon.

Bukod kasi sa pagsugpo sa komunismo at terorismo, isa sa kanilang pangunahing misyon ay siguraduhing wala nang ibang bansa pa ang manghihimasok sa Philippine Rise.

"Not only troops, we are privileged to have additional platforms that include air and sea assets to be able to ensure our regular maritime patrol in the Philippine Rise and that is the marching order of our President," ani Lt. Gen. Emmanuel Salamat, Commanding Ceneral ng Northern Luzon Command.

Magsasanib ngayon ang Navy at Marines sa pagmo-monitor sa mga galaw sa dating tinatawag na Benham Rise.

"We will follow the basic rules of engagement, meron tayong mga protocols and diplomatic actions...guidance from the national government on how to deal with those cases and incident," dagdag ni Salamat.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hindi puwersa kung hindi "diplomatikong usapan" ang kanilang tugon sa pagbibigay ng sariling pangalan ng China sa teritoryo ng Pilipinas.

"The mechanism and dispute are being discussed bilaterally...We have to come up with solution that is acceptable to all," ani DFA Secretary Alan Peter Cayetano sa kaniyang press conference. 

Sa kabilang bahagi naman ng Pilipinas, diplomatikong magpoprotesta din daw ang Pilipinas sa mga artificial island ng China sa West Philippine Sea.

Matatandaan kasing sa mga retratong inilabas kamakailan, tila kumpleto na ang mga naglalakihang pasilidad ng China, mula sa runway hanggang sa mga pantalan.

--Ulat ni Ron Gagalac, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.