Isang panukala na naglalayon na muling ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Mayo ang inihain sa House of Representatives.
Ayon sa naghain ng panukala na si Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel, malaki ang gastos na kakailanganin para sa eleksiyon.
Kailangan din umanong mabigyan ang Commission on Elections (Comelec) at iba pang ahensiya ng pamahalaan ng sapat na panahon para mapaghandaan at matiyak ang kredibilidad nito.
Sa ikalawang Lunes ng Mayo ngayong taon nakatakdang ganapin ang eleiksyon.
Dalawang beses nang naantala ang halalan na sana ay gaganapin noon pang 2016. Ayon kasi kay Pangulong Rodrigo Duterte, malaking porsiyento ng mga opisyal ng barangay ang may koneksiyon sa kalakaran ng droga.
Noong isang linggo, naghain din ng parehong panukala si Oriental Mindoro Rep. Rey Umali.
Una nang sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na wala siyang nakikitang dahilan para muling i-postpone ang barangay at SK elections.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, eleksyon, elections, barangay election, SK, Sangguniang Kabayaan, Johnny Pimentel, Rey Umali, halalan, Comelec, Commission on Elections