Babae, huli sa pagbebenta ng mga pornographic DVD sa Baguio

ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2018 05:19 AM

Arestado ang isang babae matapos mahuling nagbebenta ng mga pornographic DVD sa isang entrapment operation sa Baguio City Huwebes ng hapon.

Narekober mula sa suspek ang 28 DVDs na naglalaman ng malalaswang palabas sa halagang P35 kada piraso.

Ayon kay SPO3 Veronica Villareal ng Criminal Investigation and Detection Group, nakatanggap sila ng reklamo sa isang concerned citizen ukol sa pagbebenta ng mga pornographic DVD.

"We conducted a surveillance dito sa areas na ito and indeed naka-test buy kami," aniya.

Depensa ng suspek, pinilit lamang daw siya ng isang kakilala na bumili ng mga nasabing DVD.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Article 201 ng Revised Penal Code kung saan nakasaad na mahigpit na ipinagbabawal ang pamamahagi o pagbebenta ng anumang materyal na nakakalabag sa moralidad.

Anim na buwang pagkakakulong at multang P6,000 hanggang P12,000 ang maaaring ipataw sa suspek na kasalukuyang nakakulong sa Baguio City Jail. — Ulat ni Justin Aguilar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.