3 kasapi ng Abu Sayyaf, sumuko

Jewel Reyes, ABS-CBN News

Posted at Feb 16 2018 04:24 PM

Sumuko sa militar ang tatlong kasapi umano ng Abu Sayyaf Group sa Isabela, Basilan.

ISABELA, Basilan - Tatlo umanong miyembro ng Abu Sayyaf Group ang sumuko sa military, Biyernes.

Isinuko ni Karim Abubakar, Jimboy Abubakar Aldan at isang menor de edad ang kanilang mga sarili sa 4th Special Forces Batallion ng Philippine Army sa Basilan.

Ang tatlo ay kumilos umano sa ilalim ni Nurhassan Jamiri.

Kasamang isinuko nila ang isang M-16 rifle, garand rifle at war materials. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.