PatrolPH

Mga Pinoy na umuwi dahil sa tensiyon sa Myanmar nadagdagan

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2021 07:58 PM | Updated as of Feb 16 2021 01:05 AM

Mga Pinoy na umuwi dahil sa tensiyon sa Myanmar nadagdagan 1
Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Mark Demayo, ABS-CBN News/File

MAYNILA – Dumating na sa bansa ang panibagong batch ng mga Pinoy mula sa Myanmar na nagpasyang umuwi na matapos mag-alok ang gobyerno ng repatriation sa gitna ng hindi pa humuhupang political unrest doon.

Nasa 139 Pinoy repatriates ang dumating nitong Lunes lulan ng Air Asia flight.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), karamihan sa repatriates ay nagtatrabaho sa Myanmar bilang professionals pero naapektuhan ang kanilang mga kontrata dahil sa pandemya at sa political tension.

Kasama sa mga repatriate ang 11 bata at 2 senior citizens. 

Watch more on iWantTFC

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration Administrator Hans Leo-Cacdac, diretso muna ang mga dumating na Pinoy repatriates sa mga tinukoy nilang hotels na magsisilbi nilang quarantine facility.

–Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.