PatrolPH

Magkasintahan naaksidente noong Valentine’s Day sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2021 01:41 PM

Magkasintahan naaksidente noong Valentine’s Day sa Iloilo 1
Nahulog sa bangin ang isang magkasintahan nang mawalan umano ng kontrol sa motorsiklo sa may Leon, Iloilo noong Pebrero 14, 2021. Retrato mula kay Jerome Cantomayor

Sugatan ang isang magkasintahan matapos maaksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa bayan ng Leon, Iloilo noong Linggo, kasabay ng Valentine’s Day.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktima na sina Kirby Obiganda at ang nobya niyang si Regine Velez.

Ayon sa imbestigasyon, galing ang magkasintahan sa Barangay Bucari para mag-date at habang pauwi, nawalan ng kontrol si Obiganda sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya nahulog sila sa bangin sa Barangay Maliao.

Agad naman rumesponde ang mga taga-municipal disaster office.

Naisugod sa ospital ang magkasintahan, na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan.

– Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.