PatrolPH

Dating mayor, vice mayor kasama sa 4 na patay sa pananambang sa Cagayan

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2021 02:53 PM

Dating mayor, vice mayor kasama sa 4 na patay sa pananambang sa Cagayan 1
Patay ang 4 na tao matapos tambangan sa bayan ng Lasam, Cagayan noong Pebrero 15, 2021. Contribtued photo

Apat ang patay, kasama ang dating mayor at vice mayor, matapos tambangan nitong umaga ng Lunes ng hindi pa nakikilalang salarin ang kanilang sasakyan sa bayan ng Lasam, Cagayan.

Kinilala ni Captain Pablo Tumbali, hepe ng Lasam police, ang 2 sa mga nasawi bilang sina Councilor Marjorie Salazar, na dating alkalde ng bayan at Councilor Eduardo Azuten, na dating bise alkalde.

Kasama nilang nasawi ang driver ng sasakyan at isang hindi pa pinangalanang ginang.

Sakay ng van ang 4 nang tambanagan sila sa national highway sa Barangay Ignacio B bandang alas-11:30 ng umaga.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

– Ulat ni Harris Julio

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.