11 anyos na babae patay sa pamamaril sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2021 02:29 PM

Patay ang isang 11 anyos na babae matapos paulanan ng bala ang kanilang bahay sa bayan ng Badiangan, Iloilo nitong Linggo.

Bandang alas-6 ng gabi nang pagbabarilin ang nasabing bahay sa may Barangay Calansanan, base sa salaysay ng lolo ng biktima.

Kasama ng lolo ang 5 niyang apo nang mangyari ang insidente at pinadapa niya raw ang mga ito.

Pero tinamaan pa rin ng bala sa ulo ang babaeng biktima, na isinugod pa sa ospital pero idineklara ring dead on arrival.

Naaresto ng mga pulis sa bayan ng Janiuay ang suspek, na positibong kinilala ng lolo ng biktima.

Paghihigante ang motibo sa pamamaril matapos bugbugin ng 2 tiyuhin ng biktima ang suspek, ayon sa pulisya.

Kasong murder ang isasampa sa suspek, na nakapiit sa Badiangan Police Station.

-- Ulat ni Rolen Eacaniel

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.