Truck, backhoe sinilaban sa Albay

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2020 03:43 PM

Ginagamit ang truck at backhoe sa isinasagawang road widening project sa lugar. Thea Omelan, ABS-CBN News

DARAGA, Albay - Isang backhoe at isang truck ang sinunog sa bayan na ito Biyernes ng gabi.

Ayon sa isang residente na malapit sa pinangyarihan ng insidente, bandang alas-8 ng gabi nang puntahan siya ng ilang bata at sinabing may nasusunog na truck at backhoe.

Gamit ang mga ito sa isinasagawang road widening project sa lugar.

Nagtataka naman ang chairman ng barangay kung sino ang may kagagawan ng pagsunog.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Tumanggi naman munang magbigay ng pahayag ang construction company na may-ari ng truck at backhoe.


—Ulat ni Thea Omelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.