Most wanted ng Bulacan, timbog sa San Jose del Monte

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2020 01:54 AM

MAYNILA - Inaresto ng mga awtoridad ang most wanted personality ng Bulacan Provincial Police Office sa bayan ng San Jose Del Monte, Bulacan nitong Biyernes.

Kinilala ang natiklo na si Marlon Solayao, na sangkot sa kasong murder. 

Sa impormasyong natanggap ni Bulacan Police acting chief Col. Lawrence Cajipe, isang lalaki ang napatay ni Solayao sa Angeles City, Pampanga noong 2005.

Naaresto naman sa Pamploma, Camarines Sur ang ikalawa sa most wanted personalities ng Bulacan Police na si Jose Baloloy, na wanted din sa kasong murder.--Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.