Libing ni 'healing priest' Fr. Suarez dinagsa

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2020 03:43 PM | Updated as of Feb 15 2020 03:44 PM

Ilang mga dumalo sa libing ang may suot na T-shirt na may mukha ng pumanaw na healing priest. Andrew Bernardo, ABS-CBN News

TAAL, Batangas — Dinagsa ng mga tagasuporta, kasamahan, at kamag-anak ang nakatakdang libing ngayong Sabado ng hapon ng tinaguriang "healing priest" na si Fr. Fernando Suarez dito sa bayan.
 
Pebrero 4, ilang araw bago ang kaniyang ika-53 kaarawan, nang bigla umanong mag-collapse si Suarez habang naglalaro ng tennis sa Alabang Country Club. 

Kinahapunan din noon ay pumanaw ang pari dahil sa heart attack. 

Nakatakdang ilibing ngayong Sabado ng hapon ang tinaguriang "healing priest" na si Fr. Fernando Suarez. Andrew Bernardo, ABS-CBN News

Kabilang sa mga dumalo sa libing nitong Sabado sina Batangas Gov. Hermilando Mandanas at mga kasamahang pari at dating kaklase ni Suarez.

May inilagay namang malaking LED screen sa labas ng himlayan para sa mga tagasuporta ng pari na hindi pinapasok sa seremonya. Andrew Bernardo, ABS-CBN News

May inilagay namang malaking LED screen sa labas ng himlayan para sa mga tagasuporta ng pari na hindi pinapasok sa seremonya. 

—Ulat ni Andrew Bernardo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.