4 na Malaysian na ‘tinorture, dinakip’ ng mga Chinese POGO workers sinagip

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2020 07:07 PM | Updated as of Feb 15 2020 07:27 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA—Sinagip ng mga awtoridad ang apat na Malaysian na ikinulong at tinorture umano ng ilang Chinese nationals sa lungsod ng San Pedro, Laguna. 

Aabot sa 10 Chinese nationals na umano'y Philippine offshore gaming operations workers ang inaresto kasunod ng insidente. 

Ayon kay Police Maj. Rannie Lumactod, tagapagsalita ng Philippine National Police, anti-kidnapping group, unang humingi ng tulong ang Chinese Interpol nang makatanggap ng ulat na ikinulong ang mga Malaysian at hiningan ng ransom kapalit ng kanilang kalayaan. 

Sinasabi ring hindi pinapakain ang mga biktima, bukod sa ginugulpi umano sa mismong POGO office. 

Gusto umanong umalis ng mga biktima, na pawang nagtatrabaho rin sa nasabing opisina pero sinisingil sila ng kanilang employer ng mga ginastos sa kanila para makapunta ng Pilipinas. 

Nadiskubre ring ilegal ang operasyon ng nasabing POGO. 

Inihahanda na ang mga kasong haharapin ng mga arestadong Chinese. — Ulat ni Maan Macapagal, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.