36 mga babae nasagip mula sa mga umano'y sex den sa Makati

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2020 11:42 AM | Updated as of Feb 15 2020 08:39 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Sinalakay ng mga pulis ang dalawang sinasabing sex den sa Makati kung saan 36 na mga babae ang nasagip at apat na suspek ang arestado.

Nagtalukbong ng mga ulo ang mga babaeng nahuli sa isang hinihinalang sex den sa Barangay San Isidro, Sabado ng madaling araw.


 
Nagsilbi bilang prente ang café kung saan ginagawa ang ilegal na aktibidad.

Ayon kay Police Maj. Gideon Ines Jr., maaaring makapamili ng babaeng dadalhin sa kahit anong hotel sa halagang P3,000.

Sa naturang café nasagip ang 25 mga babae na lahat ay tumanggi na nagaalok sila ng extra service.

Tatlong lalaki ang inaresto din na kinabibilangan ng umano’y manager at dalawang bugaw.

Nasa 11 mga babae naman ang nasagip sa isang spa sa Barangay Bangkal, Makati, Biyernes ng gabi.

Nahuli pa ng mga pulis ang isang babaeng masahista na nagtatalik sa customer. Inaresto rin ang manager ng spa dahil umano sa paglabag sa anti-trafficking in persons act.

Dadalhin ang mga nasagip na mga babae sa Women’s Desk ng Makati City Police Station.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.