2 lalaki nahulihan ng P500,000 halaga ng 'shabu' sa CDO

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2020 04:52 PM

CAGAYAN DE ORO CITY — Timbog ang 2 lalaki sa lungsod na ito Biyernes matapos silang mahulihan ng hinihinalang shabu at di lisensiyadong armas.

Ayon sa mga awtoridad, 2 linggo nilang minanmanan sina alyas "Mark" at alyas "Benjamin" matapos maitimbreng nagbebenta daw sila ng droga at ilegal na mga baril.

Sa buy-bust, nakuha sa 2 suspek ang P500,000 halaga ng umano'y droga at isang kalibre .22 revolver at mga bala.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunition ang isasampa laban sa mga suspek.

—Ulat ni Rod Bolivar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.