Lalaki binaril dahil sa gitgitan sa kalsada sa Isabela

Harris Julio, ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2019 06:30 PM

SAN ISIDRO, Isabela— Kritikal ang isang lalaki matapos barilin sa kalsada ng isang motorista dito Biyernes ng madaling araw.

Nakasakay umano sa trak ang 24 anyos na si Alvin Maneja nang pagbabarilin siya ng hindi pa kilalang motorista.

Gitgitan sa kalsada ang dahilan umano ng pamamaril ayon kay Senior Insp. Francis Pattad, hepe ng San Isidro Police.

“Nagkagitgitan sila sa Barangay Ipil sa Echague, o-overtake sana itong kotse hindi napagbigyan. Nauna 'yung truck, tapos nung in-overtake uli ay nag-dirty finger itong driver ng kotse,” ani Pattad.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa batok na tumagos sa kaniyang lalamunan, ayon sa misis ni Maneja na si Rowena.
Ayon

Ito ang unang insidente ng pamamaril sa nasabing bayan sa kabila ng umiiral na gun ban para sa darating na halalan sa Mayo.

Pinaghahanap pa ng mga pulis ang salarin na nakasakay umano sa isang itim na sasakyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.