Halos 100 katao, tiklo sa Pasay dahil sa droga, pagyoyosi, pag-inom sa kalsada

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2019 04:58 AM

MAYNILA - Halos 100 katao ang dinampot ng mga pulis sa Pasay City Huwebes ng gabi dahil sa paglabag sa mga ordinansa at droga.

Nasa 60 ang lumabag sa city ordinance, tulad ng pag-inom ng alak at paninigarilyo sa mga lansangan.

Kabilang ang isang mag-asawa na nahuling umiinom sa labas ng kanilang bahay.

Naaresto naman ang 24 na drug personality, kabilang ang 7 na inaresto sa buy-bust operation.

Naaktuhan naman ang 5 lalaki na nagsusugal at may nahulihan ng baril sa bisa ng search warrant. - ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.