PatrolPH

Doktor patay sa pananambang sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2019 06:00 PM

Patay ang isang doktor na pinagbabaril habang nagmamaneho ng kaniyang SUV sa Bay, Laguna noong Huwebes.

Sa paunang imbestigasyon, sakay si Dr. Roderick Mujer ng kaniyang Ford Explorer nang lapitan ng gunman at makailang ulit na pagbabarilin.

Tumakbo palayo sa crime scene ang salarin at hindi na nahabol pa.
    
Dinala sa HealthServ Los Baños Medical Center ang biktima pero idineklara nang dead on arrival.
    
Si Mujer ay vice president ng Global Care Medical Center.
    
Sinabi ni Chief Inspector Arlen Abastillas ng Bay police na patuloy pa rin nilang hinihingan ng salaysay ang mga kaanak at kakilala ng biktima. Makatutulong aniya ito sa pagtukoy sa motibo sa pamamaslang.

Kabilang sa mga sinisilip na anggulo ang personal na alitan.
    
—Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.