Walang ticket? Mali umanong pagto-tow ng MMDA, inireklamo

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2018 11:06 AM | Updated as of Aug 27 2019 03:09 PM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Inireklamo ng isang motorista ang umano'y panto-tow ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa kanyang sasakyan.

Batay sa video na ibinahagi nang motorista, mistulang walang pan-ticket na dala ang mga tauhan ng MMDA na dapat magto-tow ng kanyang kotse.

Nanawagan sa MMDA ang may-ari ng sasakyan na ipaalam sa publiko ang tamang pamamaraan ng pagto-tow para maiwasan ang mga pang-aabuso.

Paliwanag naman ni MMDA spokesperson Celine Pialago, madalas depensa ng mga motorista ang "5-minute rule." Pero wala aniyang ganito sa kanilang polisiya.

Iginiit ni Pialago na bukod sa no parking zones, bawal din pumarada sa primary at secondary roads, mga daan malapit sa intersections, at sa tapat ng mga fire station, ospital at clinic.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.