Patay na oarfish, natagpuan sa Misamis Oriental

Ronnie Enderes, ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2018 12:45 PM

OPOL, Misamis Oriental - Isang higanteng isda o oarfish ang natagpuang patay sa tabing dagat sa bayang ito nitong Huwebes, na nagdulot ng pangamba sa ilan na may nagbabantang panganib.

Nginangatngat ng aso ang 4-metrong labi ng oarfish, isang isda na madalang makita, nang ito ay matagpuan sa Barangay Barra.

Nangangamba ang mga residente na baka masalanta ng isang kalamidad ang kanilang lugar sa mga susunod na araw dahil sa paniniwala na ang oarfish ay masamang pangitain.

Patuloy pang sinusuri ng mga kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng oarfish.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.