'No work, no pay' ipatutupad ngayong Chinese New Year, EDSA People Power

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2018 11:26 AM | Updated as of Feb 15 2018 11:30 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Ipatutupad ang “no work, no pay” para sa mga manggagawa sa pribadong sektor bukas ika-16 ng Pebrero, Chinese New Year at sa darating na ika-25 ng Pebrero para sa pagdiriwang ng anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Base sa Labor Advisory No. 03 na pirmado ni Secretary Silvestre Bello III, tatanggap ng karagdagang 30 pursiyento ng arawang sweldo ang mga papasok sa trabaho.

Tatanggap naman ng karagdagang 30 pursiyento ng hourly rate ang mga empleyadong nag-overtime.

Tatanggap din ng karagdagang 50 pursiyento ang mga empleyadong magkakansela ng day-off para pumasok sa ika-16 at ika-25 ng Pebrero

-- Ulat ni Raya Capulong