Mga holdaper na naka-tricycle umatake sa V-Day; phone ng estudyante natangay

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2018 11:33 AM | Updated as of Feb 15 2018 03:34 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Tinangay ng mga naka-tricycle na magnanakaw ang cellphone ng isang estudyanteng naglalakad sa kalye ng Asturias sa Sampaloc, Miyerkoles, Valentine's Day.

Sa CCTV footage, makikita ang 4 na salarin na tumigil malapit sa biktima. Dalawa sa mga ito ang bumaba para tutukan ng patalim ang estudyante.

Pagkakuha ng cellphone, mabilis na nakatakas ang mga magnanakaw.

Hindi na nagreklamo ang biktima pero nakiusap ang pulisya na iulat sa kanila ang mga ganitong insidente para mahabol ang mga salarin.

Dati na ring nakunan sa CCTV ang modus ng mga naka-tricycle na magnanakaw. Sa mga nakaraang footage, makikita ang mga itong lumilibot muna sa lugar bago umatake.