French national, nagsauli ng pitaka ng kapwa turista

Hazel Salas, ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2018 06:53 PM

Pinasalamatan ni Tom Garrelts (kaliwa) ang kapwa turista na si Gillian Dominic (kanan), isang French national, na nagsauli ng nawawala niyang pitaka sa Coron, Palawan. Photo courtesy of the Coron Municipal Police Station

CORON, Palawan – Masayang pinasalamatan ng banyagang turista ang isang French national matapos na maisauli nito ang nawalang wallet na naglalaman ng pera at mahahalagang dokumento.

Naibalik ni Gillian Dominic kay Tom Garrelts ang kanyang nawawalang wallet, Huwebes ng umaga. 

Nagkita ang dalawa sa himpilan ng pulisya matapos na i-turnover ni Dominic ang natagpuan wallet sa awtoridad.

Ang naturang wallet ay may lamang peso at euro na cash, credit cards, passport, diver's at driver’s license.

Nawala umano ang wallet ni Garrelts matapos siyang maglibot sa Poblacion ng Coron nitong Miyerkoles.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.