Bagong layang bilanggo, patay sa pamamaril

Melinda Ramo, ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2018 07:28 PM | Updated as of Sep 18 2018 08:25 AM

LA TRINIDAD, Benguet - Napatay sa pamamaril ang isang lalaki matapos itong makalaya mula sa kulungan, Miyerkules.

Ayon sa imbestigasyon, 2 lalaking naka-hood at black jacket ang umano'y lumapit sa 23-anyos na biktimang si Roland Abriam at saka ito pinagbabaril.

Dinala sa Benguet General Hospital si Abriam ngunit idineklara na dead on arrival dahil sa 9 na tama ng bala.

Dalawang basyo ng bala ng kalibre .45 na baril ang narekober sa crime scene.

Wala namang ideya ang kaniyang pamilya kung ano ang motibo sa krimen pero humihingi sila ngayon ng hustisya. 

“Kung pinilaya lang sana, basta makikita pa namin siya. Pero pinatay siya eh,” sabi ng isang kamag-anak ni Abriam na piniling huwag magpakilala.

Nakulong si Abriam dahil sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pangyayari.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.