3 trak, nagkarambola sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2018 05:03 AM | Updated as of Sep 16 2018 06:20 AM

Bahagyang nagsikip ang trapiko sa C-5, Libis, Quezon City Miyerkoles ng gabi matapos magkarambola ang 3 trak.

Batas sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang isang 6-wheeler truck at sumalpok sa isa pang 6-wheeler truck sa kaniyang harapan.

Sumalpok naman ang binanggang 6-wheeler truck sa isa pang 18-wheeler truck.

Kuwento ni Marvin Soler, pahinante ng bumanggang trak, nagulat nalang daw siya nang biglang bumilis ang kanilang takbo.

"Nawalan kami ng preno tapos sumalpok na kami doon sa isa," aniya.

Isinugod sa ospital ang kanyang kasamahang drayber at isa pang pahinante.

Sa Commonwealth Ave. naman, sumalpok din ang isang trak sa isang kotse.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, muntik ng lumusot ang kotse sa gitna ng construction site ng MRT-7.

Wala namang nasaktan sa aksidente. - ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.