TINGNAN: Oarfish, muling natagpuan sa Agusan del Norte

Rodge Cultura, ABS-CBN News

Posted at Feb 15 2017 01:01 PM | Updated as of Feb 15 2017 05:41 PM

Panibagong patay na 12-foot oarfish ang natagpuan sa baybayin ng Brgy. Rojales sa bayan ng Carmen, Agusan del Norte.

Ito na ang pang-anim na oarfish na natagpuan mula noong buwan ng Enero.

Ayon sa ilang eksperto, palatandaan ng lindol ang paglitaw ng mga isdang katulad ng oarfish na karaniwang naninirahan sa kalaliman ng dagat.

Ayon sa seismologist na si Kiyoshi Wadatsumi, sa isang pahayag na nailathala sa Japan Times, ang mga isda na nasa malalim na parte ng karagatan ay mas sensitibo sa paggalaw ng mga faults.

Narito ang ilang kuha sa bagong oarfish na natagpuan.

Kuha ni Elesa Rose Jane Allocod

Kuha ni Elesa Rose Jane Allocod

Kuha ni Elesa Rose Jane Allocod

Kuha ni Elesa Rose Jane Allocod

Kuha ni Ernie Palabon

Kuha ni Ernie Palabon

Paniwala kasi ng ilan isang indikasyon na may napipintong paglindol kung may nakitang ganitong isda sa baybayin na kadalasang nakatira sa lalim na higit 1000feet.

Ang oarfish ay nakita sa baybayin kasabay ng mga inanod na dahon sa dagat.

Agad itong inilibing ng mga nakakita sa tabi ng dagat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.