PatrolPH

Seniors sa Ligao City binigyan ng gulay ngayong Valentine’s Day

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2021 03:50 PM

Seniors sa Ligao City binigyan ng gulay ngayong Valentine’s Day 1
Nabigyan ng isang kilong petsay ang mga senior citizen ng isang barangay sa Ligao City, Albay nitong Pebrero 14, 2021. Retrato mula kay Grace Santua

Binigyan ng isang grupo ng mga kabataan ng tig-isang kilong petsay ang ilang senior citizen sa Ligao City, Albay ngayong Linggo, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Ayon sa grupo ng mga kabataan, ito ang kanilang simpleng paraan para maiparamdam ang pagmamahal sa senior citizens na kapuwa residente nila sa Barangay Busac.

Bagong ani umano ang mga petsay na pinagtulong-tulungan itanim ng mga kabataan, isang buwan na ang nakararaan.

Ilang taon nang aktibo ang nasabing grupo sa pagtatanim ng gulay sa ikatlong distrito ng Albay.

Mas lumakas umano ang kanilang adbokasiya sa pagtatanim nang magkaroon ng COVID-19 pandemic. 

– Ulat ni Karren Canon

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.