PatrolPH

Sawa na-rescue sa bahay sa Tacloban City

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2021 01:29 PM

Sawa na-rescue sa bahay sa Tacloban City 1
Inililipat sa water container ang sawang nasagip sa isang bahay sa Tacloban City nitong Pebrero 13, 2021. Screenshot mula sa video na kuha ni Vicente Delgado

Nasagip ang isang sawa gabi ng Sabado sa isang bahay sa Tacloban City.

Ayon sa security guard na si Vicente Delgado, pumasok ang nasabing sawa sa kuwarto ng bahay sa Barangay Marasbaras, malapit sa kaniyang pinagtatrabahuhan.

Nagpatulong umano ang may-ari ng bahay kay Delgado para mahuli ang nasabing hayop.

Nagtulong-tulong sila Delgado at mga kasamahan para maisilid sa sako ang ahas at ilipat sa isang water container para masiguradong hindi na ito makakatakas.

Tinatayang aabot sa 4 metro ang haba ng ahas at sinlaki ng braso.

Nakatakdang i-turn over sa mga awtoridad ang sawa.

– Ulat ni Ranulfo Docdocan

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.