Mga pulis-Bicol nangharana sa gilid ng kalsada ngayong Valentine’s Day

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2021 01:27 PM

Video mula sa Bicol police

Nangharana ngayong Linggo sa tabi ng kalsada ang mga pulis sa Legazpi City, Albay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso.

Bukod sa harana, na tumagal nang 3 oras, namigay rin ng balloons ang mga pulis sa mga motoristang dumadaan sa Camp General Simeon Ola.

Nakasulat sa mga balloon ang hotline numbers ng pulisya at ilang pahayag kontra kriminalidad.

Ayon kay Police Maj. Malu Calubaquib, tagapagsalita ng Bicol police, ito ang paraan para maiparamdam ng kanilang tropa ang pagmamahal at malasakit sa publiko.

Tatlong taon nang nanghaharana ang Bicol police sa publiko tuwing Araw ng mga Puso.

– Ulat ni Karren Canon 

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.