PatrolPH

Higit P10-M halaga ng ari-arian natupok sa Lanao del Norte

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2021 05:22 PM

Nasunog nitong umaga ng Linggo ang isa sa pinakamalaking tindahan sa bayan ng Lala, Lanao del Norte, ayon sa lokal na Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon kay Fire Inspector Kenneth Puig, 6 na fire truck ang rumesponde mula sa mga katabing lungsod at provincial disaster office para maapula ang sunog sa tindahan sa Barangay Maranding.

Hindi pa natutukoy ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog, na nagdulot ng higit P10 milyong halaga ng pinsala sa ari-arian.

Wala namang namatay o nasugatan sa insidente.

Samantala, 4 na commercial establishment naman ang nasunog noong gabi ng Sabado sa Iligan City.

Ayon sa BFP, madaling kumalat ang apoy dahil magkakatabi lang ang mga establisimyento.

Tinatayang aabot sa P400,00 ang halaga ng nasunog an mga paninda.

Wala ring namatay o nasugatan sa insidente.

Inaalam din ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

– Ulat ni Roxanne Arevalo

FROM THE ARCHIVES:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.