Pulis, patay sa pamamaril sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Feb 14 2020 04:37 AM

Patay sa pamamaril ang isang pulis habang nanonood ng TV sa isang restaurant sa Arellano Avenue kanto ng Don Pedro St., Maynila. 

Kinilala ni Manila Police District (MPD) Station 9 si Commander Lt. Col. Samuel Pabonito ang biktima na si Police Staff Sgt. Roel Orihuela.

Ayon kay Pabonita, kauuwi lang sa Maynila ni Orihuela mula sa Mindanao kung saan siya nadestino dahil pinagrereport umano sa Camp Crame.

Dalawa ang suspek sa pamamaril na mabilis tumakas sakay ng motor matapos pagbabarilin ang pulis.

Naisugod sa Ospital ng Maynila ang biktima pero binawian din ng buhay.-Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.